Top 1 Most Wanted Person sa Bayan ng San Agustin, Isabela, Natimbog na!

San Agustin, Isabela – Bagsak kulungan ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng San Agustin, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas singko ng hapon sa Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Federico Clemente Castillo, kwarentay dos anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng San Agustin Police Station si Castillo matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Bonifacio T. Ong ng RTC 2nd Judicial Region Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong Robbery with Homicide.


Nasa kustodiya na ng PNP San Agustin ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bgo dalhin sa court of origin nito.

Makakalaya lamang si Castillo kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso.

Facebook Comments