Top 1 Most Wanted Person sa Benito Soliven Isabela, Arestado!

Benito Soliven, Isabela – Matagumpay na naaresto kahapon ng kapulisan ang tinaguriang top one most wanted person (Municipal Level) sa Barangay District 1, Benito Soliven, Isabela.

Ayon kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station na matagal nang minamanmanan ng kanyang pamunuan ang akusado na si Rolando Quines, bente sais anyos, walang asawa, isang magsasaka at nakatira sa Brgy. Balliao, Benito Soliven, Isabela.

Aniya may dalawang warrant of arrest si Quines sa kasong Attempted Murder noong nakalipas pa na taon na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 Ilagan City at kasong Frustrated Murder na ipinalabas ni Judge Isaac Alba ng RTC Branch 16 Ilagan City, Isabela.


Sinabi pa ni Police Senior Inspector Bumanglag na may nairekomendang piyansa ang mga kaso ni Quines na isang daan at dalawampung libong piso at dalawang daang libong piso.

Samantala matapos na mahuli si Quines ay nakuha sa pag-iingat nito ang isang balot ng marijuana at sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Benito Soliven para sa paghahanda ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments