Top 1 Most Wanted Person sa Diffun, Quirino, Arestado!

Pansamantalang nakakulong ngayon ang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Diffun, Quirino matapos mahuli ng mga alagad ng batas ng naturang bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Victoriano Yarcia Jr., Hepe ng PNP Diffun, kinilala ang naaresto na si Benny Jacinto, magsasaka at residente ng Barangay Gabriela Silang, Diffun, Quirino

Isinilbi sa bahay ni Jacinto ang warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Andrew P. Dulnuan, presiding judge ng RTC Branch 31 ng Cabarroguis, Quirino na may Criminal Case No. 3880-2019 sa kasong Frustrated Parricide na may piyansang P200,000.00.


Facebook Comments