Himas rehas ngayon ang lalaking tukoy na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Pozorrubio sa bisa ng inihaing warrant of arrest.
Nakilala ang akusado na isang 62 anyos, at residente sa nasabing bayan.
Natukoy din ito na Top 8 Most Wanted Person sa buong lalawigan.
Kakaharapin nito ang kasong panggagahasa at walang inirekomendang piyansa.
Nasa kostudiya na ito ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









