Top 1 Most Wanted Person sa Santiago City, Timbog!

*Angadanan, Isabela*- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa lungsod ng Santiago pasado alas tres ng hapon, Enero 18, 2019 sa Brgy. San Isidro, Angadanan, Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Edgardo Alpiche Pasilan, trentay dos anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Rosario, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Angadanan katuwang ng PNP Santiago City ang suspek matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Efren M. Cacatin ng RTC Branch 35 Santiago City dahil sa kasong murder.


Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Pasilan at sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP Angadanan para sa kaukulang dokumentasyon bago iturnover sa court of origin nito.

Facebook Comments