Top 1 Most Wanted Person sa Tumauini, Isabela, Nakorner ng mga Otoridad!

175

*Tumauini, Isabela- *Matagumpay na naaresto ng mga otoridad ang Top Most Wanted Person sa bayan ng Tumauini matapos makipagmatigasan sa mga pulis nang ihain ang Warrant of Arrest nito partikular sa Brgy. Annafunan, Tum auini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rodmar Tamang, 26 anyos, driver at residente ng Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Tumauini na nakita ang akusado na matagal ng pinaghahanap ng batas sa Brgy. Annafunan, Tumauini.

Agad namang nagtungo sa lugar ang mga kasapi ng PNP Tumauini sa pangunguna ng hepe na si PCI Eugenio Mallillin upang arestuhin si Tamang sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC B ranch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong Pagpatay.

Nang matunugan ni Tamang ang pagdating ng mga pulis ay pwersahan nitong kinuha ang kanyang live-in partner at dinala sa maisan.

Kaugnay nito, humingi ng suporta si PCI Mallillin kay Isabela Provincial Director PSSupt Mariano Rodriguez upang madakip sa lalong madaling panahon ang akusado.

Nagresulta naman sa pagkakaaresto ni Tamang pasado alas kwatro na ng hapon ng Pebrero 19, 2019 matapos ang pagtutulungan ng mga otoridad habang matagumpay naman na na-rescue ang kinuhang live-in partner.

Dinala na sa PNP Tumauini ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantala itong makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P72, 000.00.

Facebook Comments