
Matagumpay na naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa Asingan sa ikinasang operasyon ng Asingan Police Station dakong 10:15 PM, Nobyembre 24, 2025 sa Brgy. Carosucan Norte, Asingan, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang isang 76 anyos na magsasaka na hinuli sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court para sa kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunition.
Ang nasabing warrant ay mayroong rekomendadong piyansa na ₱100,000.00.
Pagkatapos ng pag-aresto, agad na dinala ang indibidwal sa Asingan Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Pinuri ni PCOL Arbel C. Mercullo, Provincial Director ng Pangasinan PNP, ang kasipagan at dedikasyon ng mga operating personnel sa matagumpay na operasyon.
Tiniyak din ng Pangasinan PNP na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons bilang bahagi ng mas malawak na kampanya kontra kriminalidad sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









