TOP 1 MOST WANTED SA BAYAMBANG, ARESTADO

Arestado ang itinuturing na top one most wanted person sa bayan ng Bayambang na nahaharap sa kasong murder sa operasyon na isinagawa sa Taguig City.

Sa bisa ng Warrant of Arrest, walang nirerekomendang piyansa ang kaso ng akusado na may kaugnayan sa natagpuang bangkay ng isang babaeng biktima sa Barangay Bani, Bayambang, Pangasinan noong Hulyo.

Nailipat na ang suspek sa kustodiya ng kapulisan sa Bayambang para sa tamang disposisyon.

Muling iginiit ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang paninindigan laban sa kriminalidad at ang kanilang dedikasyon sa tapat at malinaw na pagpapatupad ng batas bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang tiwala ng publiko sa kapulisan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments