Top 1 Most Wanted sa Bayan ng San Mateo, Isabela, Natimbog!

San Mateo, Isabela- Nadakip na ng kapulisan ang numero unong Most Wanted sa listahan sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si David Encarnacion, animnapu’t dalawang taong gulang, isang electrician at residente ng Brgy. Malasin, san Mateo, Isabela.

Si Encarnacion ay nadakip ng PNP San Mateo at CIDG Isabela bandang alas kwatro kaninang hapon, Hulyo 11, 2018 sa Barangay 4 ng nasabing bayan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Reymund Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong Tangkang Pagpatay.


Dinala na sa PNP San Mateo si Encarnacion para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso.

Facebook Comments