Top 1 Most Wanted sa Echague, Isabela, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- **B*agsak sa kulungan ang isang mister na nasa Top 1 most wanted person sa bayan ng Echague, Isabela matapos na maaresto sa Brgy. Casulucan, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Kinilala ni P/Maj. Andy Orilla, hepe ng PNP Echague ang naaresto na si Alfredo Fabie, 45-anyos, may-asawa na residente ng Barangay Aromin, Echague, Isabela.

Sa pinagsanib na pwersa ng Echague at Sto. Domingo police station ay naaresto dakong 10:30 ng umaga kahapon ang akusado.


Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong july 13, 2017 ni hukom Bonifacio Ong, ng RTC Branch 24 ng Echague, Isabela sa kasong arson na may docket criminal case # Br 24-1798 at walang kaukulang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Fabie.

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments