Top 1 Most Wanted sa Isabela, Arestado

22

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang Top 1 na nasa most wanted list sa Lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang suspek na si Esteban Caliguiran, 59 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Lanna, Tumauini, Isabela.

Nahuli si Caliguiran bandang alas 4:00 ng hapon ng Disyembre 3, 2021 sa Purok 3 Brgy. Lanna ng magkatuwang na mga tauhan ng Tumauini Police Station, PUI, PIDMU, IPPO sa pamamagitan ng isinilbing warrant of arrest sa kasong dalawang (2) beses na pagpatay.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang Kalayaan ng suspek.

Nasa kustodiya na ng PNP Tumauini ang suspek at anumang araw ay dadalhin na sa korte.

Facebook Comments