
Cauayan City – Timbog ang isang lalaki na kabilang sa listahan ng Top 1 Provincial Most Wanted Person sa kasong panggagahasa sa Purok 4, Brgy. Gucab, Echague, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jairo, isang manggagawa at residente ng nabanggit na lugar.
Siya ay nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Echague Police Station bilang lead unit, katuwang ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC), RIU 2 CIT Santiago, at PIDMU-IPPO, gamit ang Mandamiento de Aresto na inilabas noong Disyembre 10, 2025 ng Presiding Judge ng RTC 2nd Judicial Region Branch 24 Echague, Isabela, na walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine gamit ang wikang kanyang naiintindihan.
Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Echague Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago dalhin sa korteng pinagmulan.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 (Anti-Child Abuse Law).









