Nasakote ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station, bilang lead unit, katuwang ang Malasiqui Police Station, ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Municipal Level ng Malasiqui sa isinagawang operasyon noong Pebrero 18, 2026 sa San Carlos City, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 27 anyos na residente ng nasabing bayan kung saan inaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong rape na may rekomendasyong walang piyansa.
Matapos ang pagkakaaresto, agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya para sa tamang dokumentasyon at inihanda para sa kaukulang disposisyon at kustodiya ng hukuman.
Ayon kay Arbel C. Mercullo, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person sa lalawigan.
Samantala, patuloy ang pinaigting na manhunt operations ng Philippine National Police upang tiyakin ang pagpapatupad ng batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Facebook Comments








