Top 1 Most Wanted sa San Agustin, Isabela, Nadakip Na!

Cauayan City, Isabela- Nasa kamay na ng PNP San Agustin ang isang lalaki bilang Top 1 Most Wanted sa bayan ng San Agustin, Isabela matapos mahuli ng mga otoridad bandang alas dos ng hapon ngayong araw, Hunyo 5, 2018 sa lungsod ng Cauayan.

Ang nadakip ay kinilalang si Ernesto Tapaoan alyas “Bernie”, singkwentay otso anyos, may-asawa, tindero at residente ng Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.

Si Tapaoan ay dinakip ng pinagsanib pangkat ng San Agustin Police Station sa pangunguna ni PSI April Iann Bumanglag at Cauayan City Police Station sa pangunguna naman ni PSI Randy Joseph Carbonel sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kaso nitong Pagpatay.


Dinala na sa San Agustin Police Station ang suspek para sa kanyang karagdagang dokumentasyon at disposisyon at siya ay pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso.

Facebook Comments