Arestado ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang Top 1 Most Wanted Person (City Level) ng San Carlos City sa kasong panggagahasa noong Nobyembre 20, 2025.
Ang akusado ay isang 43 anyos na faith healer o albularyo na umano’y ginamit ang kanyang trabaho upang maisagawa ang panghahalay.
Naaresto ang suspek dakong 5:04 ng hapon sa Sitio Longos, Brgy. Cacaritan, San Carlos City sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, isang kasong walang piyansa.
Tinangkan ng iFM News Dagupan na hingan ng pahayag ang akusado ngunit tumanggi itong magsalita.
Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station para sa dokumentasyon at paghahanda ng kaukulang kaso.
Tiniyak naman ng Pangasinan Police Provincial Office na patuloy ang kanilang masigasig na operasyon upang ipatupad ang batas at mapanatili ang seguridad sa lalawigan.









