Arestado ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang magkasanib na operasyon ng mga awtoridad sa Tayug, Pangasinan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱200,000.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.8 gramo.
Narekober din ang halagang ₱5,440 na pinaniniwalaang mula sa ilegal na aktibidad ng droga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayug Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang karagdagang mga kasong isasampa laban dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










