TOP 1 MOST WANTED SA UMINGAN, PANGASINAN, ARESTADO

Naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa bayan ng Umingan, ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO).


‎Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Umingan Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion West sa nasabing bayan kung saan naaresto ang suspek sa bisa isang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175.


‎Ayon sa pulisya, ang kaso laban sa akusado ay may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱200,000.


‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng Umingan MPS ang naarestong indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.


‎Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang mapabilis ang pagdakip sa iba pang mga wanted na indibidwal sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments