
Naaresto ng mga operatiba ng Police Station 3–Talomo Drug Enforcement Unit ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Matina Pangi, Davao City.
Ang suspek ay isang 25-taong-gulang na lalaki at itinuturing na Davao City’s Top 1 Priority Target.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na ginamit sa nasabing operasyon.
Bukod dito, nakumpiska rin sa kanya ang karagdagang selyadong pakete, kabilang ang isang malaking bloke na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P9 milyon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Acting Chief PLTGEN. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na pinalalakas ng ahensya ang mga hakbang upang masugpo ang ilegal na droga sa bansa.
Facebook Comments









