Silang, Cavite, Philippines – Galing sa mahirap na pamilya ang nanguna sa class Sansiklab o Philippine National Police Academy (PNPA) class 2019.
Nagsikap ng husto si Police Inspector Jervis Ramos 24 years old na mula sa Tondo, Maynila para makapasok , makapasa at maging top 1 sa Philippine National Police Academy (PNPA) class 2019.
Bukod sa bahay at lupa nakatanggap si Police Inspector Ramos ng Presidential Kampilan Award mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Police Inspector Ramos bilang iskolar utang nila sa taong bayan ang kanilang naabot ngayon.
Batid ni Ramos na marami pang hamon ang susubok sa kanilang katatagan pero malalagpasan nila ito sa pamamagitan ng determinasyon, at tiwala sa Diyos .
Para sa class 2019, nagsisilbing ehemplo nila si Pangulong Rodrigo Duterte na matapang, at may malasakit sa mga Pilipino.
Samantala 3 mula sa top 10 ng Philippine National Police Academy (PNPA) class 2019 ay pawang magsasaka ang mga magulang.
Kabilang na jan ang top 2 at isang babae na si Cadet Merriefin Longcob Carisusa na nakatanggap ng Vice Presidential Award.