TOP 10 DRUG SUSPECT SA REGION 1, NAARESTO SA BAUANG, LA UNION

Naaresto ang ika-sampung most wanted drug suspect sa Ilocos Region sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Barangay Disso-or, Bauang, La Union, nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 2, 2025.

Kinilala ang suspek bilang isang 38-anyos na mangingisda, may asawa, at residente ng Barangay Baccuit Norte sa nasabing bayan.

Narekober mula sa operasyon ang tinatayang dalawang (2) gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P13,600, kasama ang drug paraphernalia at iba pang ebidensya.

Isinagawa ang operasyon ng Bauang Police Station katuwang ang La Union Provincial Drug Enforcement Unit, La Union Provincial Intelligence Unit Region I, 1st Provincial Mobile Force Company, at TSC-RMFB1, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region I.

Facebook Comments