TOP 10 MOST WANTED NG CAUAYAN CITY, ARESTADO

93

*Cauayan City, Isabela* – Arestado kaninang umaga, October 7, 2019 ang isang binatang itinuturing na isa sa top 10 most wanted ng lungsod ng Cauayan Isabela.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng kapulisan ng Cauayan City Police Station ang suspect na si Patrick Paul de Leon. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ariel Palce ng RTC branch 40 ay dinakip ang suspek dahil sa kasong pagnanakaw.


Ayon sa PNP Cauayan City, matagal na nilang minamanmanan ang kilos ng 18 taong na suspect. Nang makakuha ng impormasyon ang intelligence unit ng City Police Station at nakumpirma ang pagkakakilanlan ni de Leon ay agad siyang pinuntahan sa kanyang kinaroonan sa barangay Cabaruan, lungsod ng Cauayan.

Si de Leon na taga Mambabanga, Luna, Isabela ay nasa kustodiya na ng PNP Cauayan para sa dokumentasyon bago dalhin sa point of origin para dinggin ang kasong inihain laban sa kanya.

Samantala, walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments

From Advertisers