Top 10 Most Wanted Person at Labing Isang Katao, Huli sa Isabela!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Nadakip na ng PNP Isabela ang pang sampu sa Top Most Wanted Person sa lalawigan ng Isabela na si Ricky Bong Tarayao, bente sais anyos, isang security guard at residente ng barangay Ugad, Tumauini sa bisa ng ipinalabas na Warrant of Arrest dahil sa kaso nitong panggagahasa.

Kabilang sa mga nahuli ay kinabibilangan nina Helen Ruiz ng Bantug Roxas sa kasong 9 counts of Estafa, George Pascual ng Magassi, Cabagan sa kasong Paglabag sa RA 7610, Alvin Bicera ng Bayombong, Nueva Viscaya dahil sa kasong Direct Assault at sina Larry Acosta, Rogelyn Acosta, May Salavero ng Cabatuan, Isabela sa kaso ring Direct Assault.

Kabilang din sa mga Wanted na nadakip ay sina Mariano Cuaresma ng Ballesteros, Cagayan sa kasaong 2 counts of Rape at 9 counts of RA 7610, Miel John Doles ng Solano, Nueva Viscaya sa paglabag sa RA 9262 at si Rocky Febrera ng Tanza, Tuguegarao City sa kasong Attempted Homicide.


Samantala, pinuri naman ni PRO2 Regional Director Police Chief Superentendent Jose Mario M. Espino ang mga kapulisan dahil sa matagumpay na pagkakahuli ng mga suspek.

Facebook Comments