Arestado ang itinuturing sa Top 10 Most wanted person Regional level sa bahagi ng Aringay, La Union.
Kinilala ang akusado na isang 47 anyos na lalaki, mangingisda at residente ng La Union.
Naaresto ang akusado sa pamamagitan ng isang warrant of arrest kung saan haharao ito sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng RPC na may kaugnayan sa Section 5(B) ng RA 7610 na may inirerekomendang piyansa na nasa 200,000 pesos.
Mayroon itong kasong 2 counts ng Rape, walang piyansa at Sexual Assault na may inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 200,000 pesos.
Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng pulisya ang nasabing akusado upang harapin ang mga kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









