Top 10 Most Wanted Person sa Lasam, Cagayan, Nasakote sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela-* Naaresto na ng mga otoridad ang Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng Lasam, Cagayan matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas dose ng tanghali, Enero 17, 2019 sa Brgy. Dabburab, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Rodolfo Gapuza, 58 anyos, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, hinuli si Gapuza sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Francisco Donato ng RTC Branch 33, Ballesteros, Cagayan dahil sa kasong Murder.


Walang inilaang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Gapuza.

Dinala na sa Cauayan City Police Station ang ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments