Top 10 Most Wanted Person sa Region 2, Nalambat sa Zambales

26

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 10 most wanted person sa buong Lambak ng Cagayan matapos makorner sa Purok Masigasig, Barangay San Isidro, San Marcelino, Zambales.

Sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng kapulisan para sa kasong Robbery with Homicide na may petsang February 5, 2011 na inisyu ni hukom Menrado V. Corpuz ng RTC Cabarroguis, Quirino, matagumpay na naaresto ang akusado na kinilalang si Emerico Manaloto, 48 taong gulang, may-asawa at residente ng Barangay Aurora West, Diffun, Quirino.


Matatandaan noong taong 2009, sinaksak ni Manaloto ang biktimang si Freddie Torres na sanhi ng agarang pagkamatay at tinangay nito ang backpack ng biktima na naglalaman ng perang nagkakahalaga sa P35,000.00.

Unang dinala sa isolation facility ng Diffun Police Station ang akusado bilang pagsunod sa minimum health protocols at anumang araw ay ipapasakamay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Facebook Comments