Top 10 Most Wanted Person, Kalaboso sa Kasong Pang-aabuso!

37

San Mateo, Isabela – Bagsak kulungan ang itinuring na Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo, Isabela matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Renato Taguba Galapon, singkwentay anyos, may asawa, tindero at residente ng nabanggit na lugar.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Mateo si Galapon sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City,Isabela dahil sa 2 counts kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.

Nasa himpilan na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at makakalaya lamang kung makakapaglagak ng piyansang P48,000.00.

Facebook Comments

From Advertisers