Top 10 Most Wanted sa Lalawigan ng Isabela, Nadakip Na!

211

*San Mariano, Isabela- *Nadakip na ng mga otoridad ang Top 10 Most Wanted sa Lalawigan ng Isabela matapos itong masakote kaninang 11:30 ng umaga sa brgy Zone 1, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang natimbog na si Fredie Aglugub, trentay kwatro anyos, binata at residente ng brgy Bayusan, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, si Aglugub ay inaresto ng mga kasapi ng PNP San Mariano sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 2nd Judicial Region dahil sa kasong Murder.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Aglugub.

Dinala na sa PNP San Mariano si Fredie Aglugub para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments