Nadakip sa Urdaneta City, Pangasinan ang Top 10 Most Wanted Person sa regional level matapos ang ikinasang operasyon ng pulisya noong Enero 15, 2026.
Ayon sa ulat, pinangunahan ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1 ang operasyon, katuwang ang Urdaneta City Police Station at Villasis Police Station, kung saan naaresto ang 33-anyos na lalaking residente sa mga nabanggit na lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng mga warrant of arrest kaugnay ng iba’t ibang kasong kriminal, kabilang ang paglabag sa Election Gun Ban; patong-patong na paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa isang pagamutan sa Urdaneta City para sa medical examination bago inilipat sa kustodiya ng Urdaneta City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at karagdagang legal na proseso.










