Babaeng kadete ang nanguna sa Philippine National Police Academy (PNPA) Mandayug Class of 2020.
Ayon kay PNPA Commandant of Cadets Police Brigadier General Wilfredo Cayat, ang top 1 ay kinilalang si Cadette Lei Anne Banico Palermo ng Zamboanga City na mapapabilang sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Siya ay tatanggap ng President Kampilan at Chief BFP Kampilan.
Top 2 si Cadet Julius Ceazar Panganiban Tarnate ng Bagong Silang, Caloocan City na mapapasama sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Tatanggap siya ng Vice President Kampilan at Chief BJMP Kampilan.
Top 3 si Police Cadette Zandra Gutierez Tabar ng Curuan, Zambonga City, tatanggap siya ng Secretary of Department of the Interior and Local Government (DILG) Kampilan at Chief Philippines National Police (PNP) Kampilan at Best in Forensic Science.
Top 4 si Fire Cadet Lindon Pariña Narvaza ng Kidapawan City, North Cotabato.
Top 5 si Jail Cadette Jerelyn Dacles Barua ng Cuartero, Capiz.
Top 6 si Jail Cadette Irish Adriano Guzman Gumaru ng San Pablo, Isabela.
Top 7 si Jail Cadet Enrico Rosario Reyes ng San Carlos City, Pangasinan.
Top 8 si Police Cadet Jose Leander Reyes Velasquez ng Cebu City.
Top 9 si Police Cadet Lanie Rionda Mendoza ng Ragay, Camarines Sur at Best in Math and Science;
Top 10 si Police Cadet Jesulito Lagarto Javier ng Lucena City, Quezon Province.
Ang PNP Mandayug Class of 2020 ay nakatakdang magtapos sa May 22, 2020 depende sa availability ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang PNPA Class of 2020 ay kinabibilangan ng 277 na kadete, 194 ay mga lalaki at 83 ay mga babae.
Sa kabuuan, 202 na nagtapos ay mapapabilang sa PNP, 59 sa BFP at 16 sa BJMP.