TOP 10 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, NASUKOL SA TUMAUINI

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang Isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela.

Kinilala suspek na si alyas “Anthony”, nasa hustong gulang, at tinaguriang most wanted sa probinsya.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng isang Presiding Judge ng Branch 16, 4th Judicial Region, Cavite City sa kasong pagpatay kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa pag-iingat ng Rosario Municipal Police Station, Cavite PPO bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments