Top 10 Regional Priority Drug Personality, Arestado

24

Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 10 Regional Priority at itinuturing na High Value Target matapos masamsaman ng ipinagbabawal na gamot ng isilbi ng mga otoridad ang Search Warrant sa kanyang bahay dakong 4:20 kahapon sa Barangay Carig Sur, Tuguegarao City.

Kinilala ang suspek na si Branden Niño Bartolome, 22-anyos, binata at residente sa nabanggit na lugar.


Ipinalabas ni hukom Jezarene Aquino, Executive Judge ng RTC Branch 5, Tuguegarao City ang Search Warrant na may petsang March 3,2021 laban sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang labindalawang (12) pakete ng naglalaman ng hinihinalang Shabu, walong (8) piraso ng nakabilot na papel na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana, isang plastic bag na naglalaman ng dried marijuana leaves na may street value na P20,000 at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng mga otoridad.

Facebook Comments