Top 10 universities sa bansa, nagsumite na ng aplikasyon sa tuition fee increase

Nagsumite na ng kanilang aplikasyon sa Commission on Higher Education o CHED ang top 10 universities sa bansa para sa pagtataas ng tuition fee sa susunod na pasukan.

Inilabas ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) ang listahan ng sampung nangungunang unibersidad na nagpaabiso sa CHED para sa tuition fee increase.

Nangunguna dito ang University of Santo Tomas (UST) na planong magdagdag ng 4-6%, De La Salle College of St. Benilde (DLSC-CSB), St. Louis University (SLU) na 7% para sa mga freshmen, Far Eastern University (FEU) na 3-3.5%, De La Salle University Manila (DLSU) na may 4% at University of San Carlos (USC) na may 7%.


Kasama rin sa mga naghain ng tuition fee increase ay ang Ateneo de Manila University (ADMU) na may 4%, University of the East (UE) na may 4%, De La Salle University Dasmarinas (DLSU-D) na may 5%, Lyceum of the Philippines University (LPU) na may 7%, Adamson University (AdU) na may 8%, Central Philippine University (CPU) na may 10%, University of Cordillera (UC) na may 10% at Mapua University (MU) na 1.25%.

Nagpaabiso na rin ang Holy Angels University at National Teachers College para magtaas ng singil sa tuition fee.

Wala pang aksyon ang CHED kung papayagan ba nila ang aplikasyon ng mga nasabing paaralan para sa dagdag singil sa matrikula sa susunod na pasukan.

Facebook Comments