Top 12 most wanted person ng Sta. Ana Police Station, arestado

Hindi na nakapalag pa ang isang lalaking itinuturing na top 12 most wanted person ng maaresto ito ng Sta. Ana Police Station o MPD Station-6.

Nakilala ang nadakip na si Benjie San Pedro na residente ng Oro B. Street Sta. Ana.

Sa imbestigasyon, nasakote si San Pedro malapit sa tinitirhan nitong bahay kung saan na-corner na siya ng mga otoridad kasabay ng paghahain ng warrant of arrest.


Nahaharap si San Pedro sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o may kinalaman sa iligal na droga.

Nabatid na isang impormante ang nagbigay ng tip kung saan matatagpuan si San Pedro kaya’t nadakip na ito ng pulisya matapos ang ilang buwang paghahanap.

Facebook Comments