Dalawang katao na Top Most Wanted sa Benito Soliven, Natimbog!

229

Benito Soliven, Isabela – Arestado ang dalawang kalalakihan na Top 1 at Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Benito Soliven, Isabela dakong alas syete kaninang umaga sa Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Arnold Gabato Asuncion, trentay dos anyos, walang asawa at Allan Gabato Asuncion, trentay kwatro anyos, walang asawa, kapwa magsasaka at mga residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP Benito Soliven sa pangunguna ni PSI Glanery V. Cabeliza katuwang ng Security-Bravo Company, 95 th IB, 5th ID, PA na nakabase sa Brgy. Rogus, Cauayan City sa pangunguna ni 1LT Joey D. Bagaforo at mga kasapi ng CIDG Provincial Field Unit sa pangunguna naman ni PSI Erwin B. Volibul ang dalawang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Reymundo L. Aumentado ng RTC Cauayan City dahil sa kasong Attempted Murder.

Nasa himpilan na ng pulisya ng Benito Soliven ang mga akusado para sa kanilang kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Samantala, pansamantalang makakalaya lamang ang dalawa kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng tig P120,000.00 bawat isa.

Facebook Comments