TOP 2 MOST WANTED NG AKLAN PPO AT TOP 1 NG NW PNP, ARESTADO

New Washington – Arestado ang Top 2 Most Wanted ng Aklan PPO at Top 1 ng New Washington PNP kahapon ng umaga sa Family Park, Karuhatan, Valenzuela City . Ang akusado ay kinilalang si Jeffrey Cabales Naplaza, 28-anyos na tubong Guindag-an, Ochando, New Washington, Aklan. Inaresto si Naplaza ng pinagsanib nga pwersa ng Aklan PIT, RIU-NCR, Aklan PIB, New Washington PNP at Valenzuela PNP sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of Rape na may Criminal Case No.14974 at 14975 na inisyu ni Hon Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge, 6th Judicial Region RTC, Branch 3, Kalibo, Aklan at may petsang September 16, 2019. Wa namang pyansa na inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito Si Naplaza ay nakatakdang i-uwi sa probinsya ng Aklan at ihaharap sa korte.

Facebook Comments