Monday, March 2, 2026

TOP 2 MOST WANTED NG BURGOS, TIMBOG SA ZAMBALES

Nasakote ng Burgos Municipal Police Station (MPS) ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa municipal level kahapon, Marso 1, sa Barangay Buenavista, Castillejos, Zambales.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek na isang 40-anyos na lalaking nagtatrabaho sa buy and sell ng livestock at tubong ng Agno, Pangasinan na naninirahan sa Castillejos, Zambales.

Ayon sa pulisya, maging sa labas ng lalawigan ng Pangasinan ay ikinasa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest laban sa akusado ng Burgos MPS kasama ang Castillejos Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Zambales Police Provincial Office, na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱72,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang akusado para sa kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments