TOP 2 MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA ROSALES

Arestado ang itinuturing na top 2 most wanted person sa Rosales, Pangasinan nitong Miyerkules.

Kinilala ang akusado na isang 56 anyos na lalaki at residente rin sa nasabing bayan.

Naaresto ng awtoridad ang akusado sa pamamagitan ng isang warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 180,000 pesos.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Rosales Municipal Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon at kakaharapin nitong kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments