Top 2 Most Wanted Person, Arestado

34

Cauayan City, Isabela- Natimbog rin ng mga kasapi ng Reina Mercedes Police Station ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa nasabing bayan.

Makalipas ang maraming taon na pagtatago sa batas ay nadakip rin ng mga otoridad sa barangay Dela Paz. Antipolo City, Rizal ang akusado na nakilalang si Renato Valdez, walang asawa, 29 taong gulang, tubong barangay Turod, Reina Mercedes, Isabela.


Si Valdez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni hukom Isaac De Alban ng Branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Abduction with rape na naitala noon pang January 29, 2014.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa kustodiya na ng PNP Reina Mercedes ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments