Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng mga otoridad dakong alas 5:00 kaninang madaling araw, Agosto 2, 2020 ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Joshua Delos Santos, 26 taong gulang, construction worker at residente ng Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.
Nadakip ang akusado sa mismong lugar nito ng mga kasapi ng Tumauini Police Station sa bisa ng Alias Order of Arrest na inisyu ni hukom Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nasa pangangalaga na ng pulisya ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.
tGAS: 98.5 IFM CAUAYAN, VAUAYAN CITY, ISABELA, LUZON, PNP TUMAUINI, Joshua Delos Santos, Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela