Top 2 Most Wanted Person na may kasong Panggagahasa, Kalaboso!

76

Cauayan City, Isabela – Arestado ang isang magsasaka na Top 2 Most Wanted sa Lungsod ng Cauayan sa kasong panggagahasa matapos isilbi ng mga otoridad ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Jaylord Eugenio Sinngo, bente uno anyos, binata, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng PNP Cauayan City si Sinngo matapos magpalabas ng mandamiento de aresto si hukom Raul V, Babaran, Presiding Judge ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela dahil sa kaso nitong Rape.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ang akusado para sa kanyang kaukulang dokumentasyon habang walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments