CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa Kabugao, Apayao.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Juan”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing lalawigan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dalawang bilang ng kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan at kasong rape na may inirekomendang piyansa na P120,000.
Dinala ang suspek sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Apayao.
Facebook Comments