Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Agustin, Arestado!

87

Nasa kamay na ng mga otoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Agustin, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Nabbuan, Santiago City.


Kinilala ang akusado na si Michael Castro, 21 anyos, residente ng Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip ng mga kasapi ng San Agustin Police Station si Castro katuwang ang presinto uno ng PNP Santiago City dahil sa kaso nitong panggagahasa.

Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado at dinala na ito sa Santiago City Police Station 1 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments