Top 2 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Arestado!

*Echague, Isabela- *Bagsak na sa kulungan ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Echague matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Carulay, Echague, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Cejae Liban, 18 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Brgy. Carulay, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Liban at siya’y matagumpay na naaresto bandang 11:10 kaninang umaga sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela.


Dinala na sa Echague Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments