Top 2 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Huli!

*Echague, Isabela- *Arestado ang isang panadero na wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Unintentional Abortion, Multiple Physical Injuries and Damage to Property matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest pasado alas nuebe kaninang umaga sa Brgy. Carulay, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ronald De Leon, 30 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Carulay, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si De Leon ng mga kasapi ng Echague Police Station sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Donabel A Balot, ng 1st Municipal Trial Court, Aglipay-Saguday, Quirino dahil sa kasong kinakaharap nito.


Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at siya’y pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang P30,000.00.

Facebook Comments