Top 2 Most Wanted Person sa kasong pagpatay, arestado sa Caloocan City

Hawak na ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station ang isang lalaking itinuturing na Top 2 District Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang Oplan Bulabog.

Kinilala ang akusado sa alyas Jon-Jon Bangaw, 39-anyos at nahaharap sa kasong Murder.

Nahuli ang akusado sa Brgy. 120, Caloocan City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 128.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni alyas Jon-Jon Bangaw.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong ang akusado sa Investigation and Detective Management Sections ng Warrant and Subpoena Section habang hinihintay naman ang pagbabalik ng warrant nito sa nag-isyung korte.

Facebook Comments