Top 2 Most Wanted Person, Timbog sa kasong paglabag sa RA 7610!

64

Echague, Isabela – Bagsak kulungan ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest sa Brgy. San Antonio Minit Echague, Isabela.


Ang akusado ay kinilalang si Joriel Paraldo Ramos, 23 anyos, binata, laborer at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Ramos sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio T. Ong RTC Branch 24 dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti-Child Abuse Act.

Makakalaya lamang si Ramos kung makakapaglagak ng inirekomendang pinyansang P80,000.00.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments