TOP 2 MOST WANTED SA DAGUPAN, ARESTADO SA KASONG RAPE AT SEXUAL ASSAULT

Naaresto ng mga tauhan ng Dagupan City Police Station ang Top 2 Most Wanted Person sa lungsod sa kasong rape at sexual assault sa isinagawang operasyon sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City.

Ang 34-anyos na suspek, residente ng Barangay Bacayao Norte, Dagupan City, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Attempted Qualified Rape, dalawang bilang ng Qualified Sexual Assault na may inirekomendang piyansang ₱520,000, at dalawang bilang ng Qualified Rape na walang piyansa.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng paggamit ng body-worn camera at alternative recording device (ARD).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Dagupan City Police Office ang suspek para sa dokumentasyon at nakatakdang isailalim sa mga legal na proseso alinsunod sa umiiral na batas.

Facebook Comments