Naaresto ang Top 2 Most Wanted Person ng Dagupan City matapos ang sanib pwersang operasyon ng Dagupan City Police Office (DCPO) noong Linggo, Disyembre 14.
Kinilala ang suspek bilang lalaking residente ng Barangay Pogo Chico, Dagupan City at wanted para sa kasong carnapping, na may inirekomendang piyansang ₱300,000.
Isinagawa ang operasyon sa Barangay Baro, Asingan, sa pangunguna ng Police Station 1 at katuwang ang iba pang police units.
Matapos ang operasyon, isinailalim ang suspek sa medico-legal examination bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments









