Top 2 Most Wanted sa Isabela, Arestado!

237

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela.


Ganap na 5:30 ng hapon kahapon nang maaresto sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela si Jimmy Agliam, 42 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang hinihintay ng PNP San Guillermo sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Maj Mariano Marayag ang commitment order ng suspek para sa krimeng Murder o pagpatay sa RTC Branch 24, Echague, Isabela ay nabatid na may iba pang warrant of arrest ang akusado na ipinalabas rin ng RTC 2nd Judicial Region Branch 24, Echague, Isabela sa kaso namang Destructive Arson.

Dito na isinilbi ng mga otoridad ang kanyang mandamiento de aresto na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa kasong Destructive Arson.

Dinala na sa BJMP Santiago City ang akusado habang hinihintay ang paglitis sa kanyang mga kaso.

Facebook Comments