
Naaresto ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO), ang isang lalaki na kabilang sa Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bayan ng Lingayen.
Naganap ang operasyon dakong 12:24 PM noong Disyembre 1, 2025, kung saan nahuli ang akusado, isang 35 anyos na mangingisda, at residente ng Lingayen.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lingayen MPS ang akusado para sa wastong dokumentasyon at karagdagang prosesong legal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









